Mahigit limang taon ang ginugol ng mga bihasang artisan bago makumpleto ang Tobu World Square noong Abril 24, 1993. Dito makikita ang mga kahanga-hangang miniature reproduction ng 102 historic relics at architectures mula sa 21 bansa at 45 UNESCO World Cultural at Heritage Sites sa sukat na 1/25 mula sa orihinal na laki ng mga ito. Iba't ibang kwento rin ang hatid ng mahigit sa 140,000 "resident" figurines na may taas na 7 cm. Ang nakakamangha pa ay wala sa mga ito ang magkakamukha at magkakatulad. Hindi rin dapat palampasin ang magagandang hardin at mga puno na gawa sa 20,000 bonsai trees na akmang-akma sa mga istruktura. Tiyak na mabubusog ang inyong mga mata sa mga makikitang miniature cultural heritage sites dito na magbibigay kamalayan din sa bawat isa na dapat pangalagaan ang mga yaman na ito ng mundo.
Mga Atraksyon:
Modern Japan Zone - Kung nais mong makita ang makabago at progresibong bansa ng Japan, ito ang dapat mong puntahan. Nandito ang abalang lugar ng Tokyo Station, ang pambansang kapulungan na Diet Building, ang dating Imperial Hotel na dinisenyo ng kilalang arkitekto na si Frank Lloyd Wright at marami pang iba.
America Zone - Ang mga matatayog na gusali ng "The Big Apple" o New York City ang makikita rito. Kabilang na ang Empire State Building, World Trade Center at Chrysler Building. Nandito rin ang tanyag na tourist spots na Statue of Liberty, The White House at iba pa.
Egypt Zone - Gusto mo bang makaranas ng mainit na panahon sa gitna ng malamig na klima? Narito ang mga disyerto ng Ehipto na maghahatid sa iyo ng pakiramdam na ikaw ay nasa mga misteryosong pyramids ng Menkaure, Khafre at Khufu; ang Sphinx na nagpapakita ng kapangyarihan ng Egyptian rulers. May camel display din dito para sa tunay na ancient Egypt experience.
Europe Zone - Romantic at sacred. Ito ang mararamdaman sa bahaging ito sapagkat dito masisilayan ang ganda at gilas ng Eiffel Tower ng France, Sagrada Familia Church ng Spain, St. Peter's Basilica ng Vatican, Parthenon ng Greece, Colosseum ng Italy at maraming pang kaakit-akit na lugar sa Europa.
Asia Zone - Ang parteng ito ang magpapaalala sa iyo ng makasaysayang kwento ng Asya at ng mga tao nito. Nandito ang The Great Wall of China, white marble mausoleum ng Taj Mahal ng India at Angkor Wat ng Cambodia.
Japan Zone - Dito masisilayan ang "good old days" ng Japan. Bukod sa Rokuon-ji Golden Pavilion, hindi rin dapat palampasin ang mga miniature trees kung saan 97% sa mga ito ay tunay na lalong nagbibigay ng makatotohanang tanawin sa mga exhibit.
May ilang kainan na matatagpuan sa loob ng theme park tulad ng Heian, Amuse Marche, World, Carnival at Convention House. Makakabili naman ng souvenirs sa Mercado I at II. Para sa mas masayang park tour, maaaring umarkila ng binoculars (100 yen) at audio guides (500 yen-pair; 300 yen-single). May nabibili rin na playcards (1,000 yen-10-point card; 1,500 yen-15-point card) na magagamit upang mapasayaw at mapakanta ang mga figurines. (Open: 9 am-5 pm; Admission fee: 2,500 yen / adult, 1,200 yen / child).
How to Get There:
Take the Tobu Super Express Train "SPACIA" from Tobu Asakusa Sta. and get off at Kinugawa-onsen Sta., from which a 5-minute bus ride to the park.
*published in the March issue of "Let's Tour Japan", Philippine Digest
*photos by Din Eugenio







Ngayon, ang Hattori Big Clock ay itinuturing na simbolo ng Ginza at paboritong tagpuan ng mga lokal at dayuhang turista. Ito ay tumutunog sa saliw ng sikat na Westminster Chimes kada oras tulad din ng Big Ben sa London .
Kabukiza Theater- Binuksan sa publiko noong 1889, ito ang kauna-unahang teatro sa Tokyo na pinagtatanghalan ng tradisyonal na kabuki (literally means, "song, dance, and technique"; an all-male cast in Japanese classic tales and legends). Ito ay popular na pasyalan at panooran ng mga lokal at turista. May planong gibain ito at isaayos sa 2010 sa panseguridad na kadahilanan at muling buksan sa publiko sa 2013.
Sony Building- Kakaiba ang istruktura at disensyo, kaya naging popular na landmark ng Ginza simula pa noong 1966. Sa Sony Showroom, ay ang mga pinakabagong produkto ng Sony; Sony Shop na nagbebenta ng mga international models ng kanilang mga produkto; Opus Communication Zone: masusubukan ang isang video and audio entertainment na may mataas ng kalidad; Maxim's de Paris, isang French restaurant; at iba pang tindahan na nagbebenta ng mga Japanese souvenirs.
Nissan Gallery- Dito makikita ang mga bago at classic cars na gawa ng Nissan.
Starbucks Japan- Taong 1996 nang buksan sa Ginza ang kauna-unahang Starbucks store sa Japan .
Sa Ginza rin matatagpuan ang iba pang mamahaling department stores tulad ng Matsuya, Matsuzakaya, Printemps, Hankyu at Seibu. Ang mga kumpanyang Coca-cola at Warner Brothers ay matatagpuan din dito. Nandito rin ang Chikuyotei na tindahan ng isa sa pinakamasarap na unagi o eel sa buong Japan at Ginza Cafe Paulista na paboritong hangout ng Beatles legend na si John Lennon at asawang si Yoko Ono.
Mahusay din sa kickboxing si Hitomi at maraming kompetisyon na ang kanyang sinalihan. Sa isang panayam, natatawang ibinahagi ng kanyang ama na sa isang sparring session ay hindi sinasadyang matamaan ni Hitomi ang kanyang mukha na naging dahilan upang malagas ang ilan sa kanyang mga ipin.
"Hindi madali ang pagsabak sa martial arts subalit kung ikaw ay may determinasyon, lakas ng katawan at tibay ng loob ay walang imposible," pahayag ni Hitomi.
Sa mga darating na panahon, hindi malayong maging kinatawan si Hitomi ng Japan o Pilipinas sa Asian Games, South East Asian Games o kahit pa sa Olympics dahil sa kanyang versatility at husay sa martial arts. At lalong hindi malabong siya ay magbigay-karangalan sa dalawang bansa at sumunod sa mga yapak nina Bea Lucero, Japoy Lizardo at iba pang martial arts champs.





