- Maria Florenda N. Corpuz
- Editor-in-chief, Travel writer (International Press Japan Co. -- Philippine Digest Magazine); Intern (The Manila Times Publishing Corp.); Managing Editor (The Sentinel, Lyceum); News Editor (The Filters, BHS); 8th placer (News Writing, DSSPC)
Thursday, 5 June 2008
In the Eyes of a Visually Impaired Student
Hakone - Owakudani ni Yokoso!
Owakudani or "The Great Boiling Valley" is a dormant volcanic hot spot made up of sulfurous steam vents that spurt upward and hot springs that bubble out. Divided into 2 parts, the Jikokuzawa and Enmadai, it lies in the ancient crater of Mt. Kamiyama which was formed some 3,000 years ago after its eruption.
Travelers can also come by exhibits and check on Hakone's natural history and geography at the Owakudani Natural Science Museum, open daily from 9 a.m. to 4:30 p.m. There are also some souvenir shops like the Owakudani Kanko center and Yu-land that sell traditional handicrafts and genuine native products of Hakone. Aside from the kuro-tamago, palatable foods can also be enjoyed at restaurants like Yunohana.
Silang mga Migrante
Ayon sa Republic Act 8042, ang migrante ay tumutukoy sa isang tao na naghahanap-buhay sa ibang bansa at karaniwa’y tinatawag din na Overseas Filipino Worker. Karaniwan na’y nagtatrabaho bilang mga factory workers, domestic helpers, constuction workers, seamen at nurses, patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga migranteng Pilipino, babae man o lalake. Hindi matatawaran ang kanilang pagpupursige na mai-angat ang estado ng kabuhayan ng kanilang mga pamilya kaya naman ito ang nagiging inspirasyon nilang upang ipamalas ang angkin nilang kasipagan at kagalingan sa trabaho na siya namang hinahangaan ng mga dayuhang kanilang pinagsisilbihan.
Ang pagdarayuhang ito ng mga Pilipino ay matagal ng kalakaran sa bansa ngunit ang kasagsagan ng paghimok sa kanila na magtrabaho sa lupang banyaga ay nagsimula noong kalagitnaan ng dekada sitenta (70s) nang dumagsa ang trabaho sa Middle East dulot ng pagtaas ng presyo at pangangailangan sa langis. Hinimok ng dating pangulo Ferdinand Marcos ang mga kalalakihan na walang pirmihang trabaho sa Pilipinas sanhi ng mahinang ekonomiya, na tanggapin ang mga oportunidad na ito. Itinatag ng pamahalaan ang Philippine Overseas Employment Administration o POEA upang mangasiwa sa mga pangangailangan ng mga Pilipinong maghahanapbuhay sa ibang bansa. May mga Philippine-based recruitment agencies din na pinayagang mag-recruit sa kanila.
Ngunit dahil sa tumataas na bilang ng mga kaso ng pagpapahirap at pang-aabuso katulad ng panggagahasa, pagpatay, pagmamaltrato at hindi tamang pasweldo sa mga migranteng Pilipino, samu’t-saring batikos ang natatanggap ng pamahalaan ukol sa kanilang kaligtasan sa mga bansang kanilang pinagsisilbihan. Ang mga kontrobersyal na kaso nina Flor Contemplacion at Sarah Balabagan ang nagpasiklab sa damdamin ng taumbayan na kuwestiyunin ang kakayahan ng pamahalaan kung kaya ba nitong bigyan-proteksyon ang mga migrante.
Sa kabila ng mga pangyayaring ito, hindi pa rin natitinag si Juan dela Cruz sa kagustuhang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya. Sa katunayan, mahigit sa tatlong libong migranteng Pilipino ang umaalis ng bansa patungo sa 182 destinasyon araw-araw. Dahil dito, umabot sa $17 bilyon ang kabuuang halaga ng kanilang remittances batay sa Migration and Remittances Factbook 2008 ng World Bank na naglagay sa Pilipinas sa ika-apat na pwesto sa buong mundo na nakakatanggap ng malaking remittances. Una ang India na may $27 bilyon, pangalawa ang China na may $25.7 bilyon at Mexico na may $25 bilyon.
Sa laki ng remittances na ito, malaking pakinabang ang nakukuha ng pamahalaan dahil sa pumapasok na dolyar sa bansa. Idagdag pa ang binabayarang remittance fees. Hindi lamang ‘yan, hindi pa man nakakaalis ng bansa si Juan dela Cruz, sangkatutak na bayarin na ang bumubulaga sa kanya sa pag-proseso ng mga dokumentong kailangan sa kanyang pag-alis katulad ng birth certificate, passport, NBI clearance, medical certificate at iba pa.
Ngayong ipagdiriwang ang Migrant Workers Day, ano ba ang magandang handog sa mga migranteng Pilipino na patuloy na nagsasakripisyo upang maingat ang kabuhayan ng kanilang pamilya? Sapat na bang kilalanin lamang ang paghihirap nila sa pamamagitan ng pagbibigay-parangal sa kanilang mga sakripisyo? Hindi ba’t mas magandang regalo ang pagsasabatas ng mga panukala na magbibigay-proteksyon sa kanila? Higit kailanman, ngayon kailangan ng proteksyon ng bawat isang migrante Pilipino na nandito sa Japan at ibang bansa.