Binisitang muli kamakailan ng multi-awarded actor na si Joel Torre ang Japan para i-promote ang pelikulang ‘Abong’ na kanyang pinagbibidahan.
Sa presscon na ginanap sa UPLINK Theater, Shibuya noong Abril 5, nagkaroon ng pagkakataon ang PD na eksklusibong makapanayam ang magaling na aktor at direktor ng pelikula na si Koji Imaizumi. Ibinahagi ng dalawa ang kanilang pagnanais na maitanghal sa mas maraming sinehan ang pelikula.
Gumanap bilang si Lamot, ipinahayag ni Torre ang kanyang kagalakan na mapili ni Imaizumi na maging lead star ng obra nito.
“I was very happy when Koji asked me to play the lead role of ‘Abong’. It was very challenging and I am overwhelmed with the result. I consider this movie as one of my favorites,” saad ng aktor.
Ito na ang pangatlong beses na pagpunta ng magiliw na aktor sa Japan. Samantala, sinabi naman ng Japanese director na si Imaizumi na ang ‘Abong' ay naipalabas na sa piling mga sinehan sa Pilipinas at kasalukuyang ipinapalabas naman sa ilang mga sinehan sa iba’t-ibang lugar dito sa Japan. The film has competed in several film festivals in Europe and Asia.
“I am inviting the Filipinos in Japan to please watch and support ‘Abong’. It is a very good movie,” paanyaya ng mabait na direktor. Ang ‘Abong’ ay sinasabing first and monumental Igorot feature film ng Pilipinas. Ito ay isang independent film na usong trend ngayon sa movie industry.
*published in the May '07 issue of "What's Up", Philippine Digest*
- Maria Florenda N. Corpuz
- Editor-in-chief, Travel writer (International Press Japan Co. -- Philippine Digest Magazine); Intern (The Manila Times Publishing Corp.); Managing Editor (The Sentinel, Lyceum); News Editor (The Filters, BHS); 8th placer (News Writing, DSSPC)
Monday, 7 May 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment